
Puno ng katatakutan at tawanan ang Halloween special episode ng The Boobay and Tekla Show kamakailan.
Sumabak ang tatlong talented divas na sina Broomhilda Koronel (Jessica Villarubin), Redford White Lady (Lyra Micolob), at Pennyless (Jennie Gabriel) sa “Undas Diva 2023.”
Powerhouse Kapuso singers
Sa naturang kompetisyon, isa-isang ipinamalas nina Broomhilda Koronel, Redford White Lady, at Pennyless ang kanilang galing sa pag-awit ng ilang nursery rhymes na mayroong twist.
Kumusta kaya ang kanilang naging pagbirit? Alamin sa video sa ibaba.
Bukod sa talent portion, sumabak din sina Broomhilda Koronel, Redford White Lady, at Pennyless sa question and answer round. Masagot kaya nila nang tama ang mga katanungan ng comedy duo? Panoorin sa video sa ibaba.
Sino kaya sa tatlong talented divas ang nagwagi bilang Undas Diva 2023? Alamin sa video sa ibaba.
Para sa nonstop kulitan at saya, panoorin ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:25 p.m., sa GMA at Pinoy Hits.