GMA Logo Jessica Villarubin, Mariane Osabel, Hannah Precillas
Photo by: jessicavillarubin, mayangosabel, alloutsundays7 IG
Celebrity Life

Jessica Villarubin, Mariane Osabel, Hannah Precillas, nagpapasalamat sa suporta ng kanilang trending video na 'Gusto Ko Nang Bumitaw'

By Kristine Kang
Published October 29, 2024 2:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Travelers head out for Christmas break
Holiday exodus in W. Visayas, Negros Occ starts
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Jessica Villarubin, Mariane Osabel, Hannah Precillas


Mariane Osabel sa kanilang trending video: “'Di ko ine-expect na magvi-viral 'yun.”

Marami pa rin ang tumatangkilik sa karaoke video ng Queendom ladies na sina Jessica Villarubin, Mariane Osabel, at Hannah Precillas na nagsimulang mag-viral noong September sa social media.

Kasama ang kanilang mga kaibigan at singer na si Yumi Lacsamana, kita ang Kapuso stars sa video na masayang inaawit ang kanta ni Sheryn Regis na "Gusto Ko Nang Bumitaw." Tila raw bang madali lang para sa kanila ang bumirit at abutin ang high notes ng kanta. Marami rin ang humanga sa kanilang impromptu blending at ad-libs.

Sa isang panayam kasama ang GMANetwork.com, masayang nagpasalamat sina Jessica, Mariane, at Hannah sa patuloy na suporta ng fans sa kanilang video.

"Masaya po kami na maraming positive feedbacks sa nag-trending namin 'Gusto Ko Nang Bumitaw' (cover video)," sabi ni Jessica.

"'Di ko ine-expect na magvi-viral 'yun. Masaya siyempre kasi ang dami pa rin comments, nagla-like ngayon and iyon sana masundan," pahayag ni Mariane.

Hindi rin daw inakala ng tatlo na papatok ang kanilang video sa social media. Kuwento nila, katuwaan lang nila iyon sa karaoke matapos ang kanilang shooting magkasama.

"Nagulat ako na nag-trend 'yung video kasi makikita n'yo sa mukha ko doon na nakaupo na ako kasi galing kaming taping and gusto ko lang namin na mag-unwind lang ng konti, mag-relax," kuwento ni Hannah.

Dagdag pa niya, "Nagpapasalamat din ako sa lahat ng natuwa sa ginawa namin dahil wala ganoon lang kami 'pag magkakasama kami. Parang wala nang sapawan. Kahit naman on stage, on camera, walang sapawan talaga kaya kahit 'yung bonding moments namin natural ganoon lang talaga."

Dapat abangan ng Kapuso netizens ang mga susunod nilang videos at performances online at sa GMA 7.

"Dahil sa mga comment [ng fans] gagawa kami ng mga content na ganoon at sana patuloy n'yo po kaming suportahan sa aming gagawin sa GMA," masayang sinabi ni Jessica.

Samantala, umabot na ng 5.7 million views at 100,000 reacts ang kanilang video sa Facebook.

Balikan ang unforgettable moments ng “Queendom: Live Concert” sa gallery na ito: