
Masaya ang Kapuso singers at The Clash alumni na sina Jessica Villarubin, Mariane Osabel, Thea Astley, at Garrett Bolden dahil nakapagbigay sila ng saya sa mga Ilocano sa katatapos lamang na Kannawidan Festival sa Ilocos Sur.
Bukod sa pagbibigay ng saya, nagkaroon din ng pagkakataon ang apat na pumunta sa iba't ibang tourist attraction sa Ilocos.
"Sobrang saya! Ang daming tao," saad ni Jessica sa panayam ng 24 Oras, na sinangayunan naman ni Mariane.
"Na-shock kami, nung paglabas namin, 'Ay, ganito pala. Napakasayang experience."
Panawagan naman ni Thea, "Sana mas marami pa kaming time dito na puwedeng mag-stay."
Para naman kay Garrett, gusto niya sanang matikman ang Ilocano dish na dinengdeng.
Mapapanood sina Jessica, Mariane, Thea, at Garrett tuwing Linggo sa All-Out Sundays.
Samantala, mapapanood tuwing Linggo ng gabi ang The Clash 2023.
KILALANIN ANG TOP 30 NG BAGONG SEASON NG THE CLASH DITO: