
Sina Jessy Mendiola at Luis Manzano ay loving parents ng two-year-old adorable girl na si Rosie, na kilala rin sa kaniyang palayaw na Peanut.
Sa bagong vlog ni Jessy na mapapanood sa kaniyang YouTube channel, ibinahagi ng celebrity mom ang mga naging kaganapan sa New Year celebration ng kanilang pamilya.
Ipinasilip din niya ang cute at daldalan moments nila ni Rosie na nakunan ng video sa naging bakasyon nila sa Batangas at sa Benguet.
Sa comments section ng vlog ni Jessy, kinagiliwan ng netizens ang pagiging matatas sa pagsasalita at pagiging smart ni Rosie.
Related gallery: Meet Rosie, Jessy Mendiola and Luis Manzano's daughter
Ayon sa ilang netizens at fans ng Manzano family, “Rosie is so smart for her age. She's so cute…”
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 116,000 views ang naturang vlog ni Jessy na ini-upload niya sa YouTube nitong January 23.
Sa ilan pang vlogs, mapapanood ang iba pang sweet moments ni Rosie kasama ang kaniyang mga magulang na sina Jessy at Luis.
Ipinanganak si Rosie noong December 28, 2022.