GMA Logo Jessy Mendiola, Luis Manzano, Rosie
Celebrity Life

Jessy Mendiola shares first Christmas family photos

By EJ Chua
Published December 23, 2023 11:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Fire engulfs warehouse in Caloocan City
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Jessy Mendiola, Luis Manzano, Rosie


Jessy Mendiola sa anak na si Rosie habang ongoing ang kanilang first Christmas shoot: "Our little girl was such a trouper. So bait."

May bagong naggagandahang photos na ibinahagi si Jessy Mendiola sa social media.

Ang mga larawan na in-upload ni Jessy ay kuha mula sa kauna-unahang Christmas photoshoot ng Manzano family.

Makikita sa mga ito ang matching red formal outfits ng celebrity mom at ng kanyang adorable baby girl na si Isabella Rose o baby Rosie.

Ang actor at asawa ni Jessy na si Luis Manzano ay naka-black and white na formal outfit.

Sulat ng aktres sa caption ng kanyang post, “Our first Christmas family shoot…”

Mababasa rin sa caption na inilarawan ni Jessy si Rosie habang ongoing ang kanilang family shoot.

Sulat niya, “Our little girl was such a trouper. So bait!”

A post shared by Jessy Mendiola - Manzano (@jessymendiola)

Samantala, kamakailan lang, masayang ibinahagi ni Jessy sa isa sa kanyang vlogs at posts ang mga naging kaganapan sa sabay na birthday celebration nila ni Rosie.

Isinilang ni Jessy ang first baby nila ni Luis noong December 2022.