GMA Logo Jhong Hilario
PHOTO COURTESY: Gerlyn Mae Mariano (GMANetwork.com)
What's on TV

Jhong Hilario, grateful and happy for Madlang People's continuous support for 'It's Showtime'

By Dianne Mariano
Published December 2, 2025 5:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LPA spotted east of Central Luzon; frontal system brings rains to Northern Luzon
Mimiyuuuh on denim: A staple that never goes out of style
Make Your Marc Season 3 Finale: Vegas, Vision, and Filipino Excellence on the Global Stage

Article Inside Page


Showbiz News

Jhong Hilario


Natutuwa ang actor-host na si Jhong Hilario sa patuloy na pagsuporta ng mga manonood sa 'It's Showtime.'

Labis ang sayang nararamdaman ng actor at host na si Jhong Hilario sa 16th anniversary ng noontime variety show na It's Showtime.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ipinarating ni Jhong ang pasasalamat sa patuloy na suporta ng Madlang People sa 16 na taon ng noontime variety show.

"Sobrang saya and kung ano 'yung nararamdaman ko nung naging bahagi ako ng It's Showtime, gano'n pa rin kasi nakikita mo pa rin 'yung energy ng Madlang People, 'yung pagtanggap sa amin ng Madlang People, at ng ating mga Kapuso, of course, na nararamdaman natin na.. 'yung mga pagod namin everyday ay napapalitan ng saya dahil alam naming maraming sumusuporta," pagbabahagi niya.

Nagpapasalamat din ang host sa Kapuso network dahil sa tiwalang ibinigay nito sa It's Showtime.

Aniya, "And of course, malaking bagay na inampon kami ng GMA of course, dahil sa inyo, tuloy na humahaba ang buhay ng It's Showtime, and gagawin namin ang lahat para naman ang tiwala n'yo ay mapalitan namin ng magandang show."

Bukod dito, ikinuwento rin ni Jhong ang tumatak na core memory niya sa It's Showtime.

"'Yung tumatak na core memory namin is 'yung time na talagang sadsad na sadsad kami. 'Yung anytime parang mawawala na kami sa ere," kwento niya.

Dagdag pa niya, "Pero ang maganda doon is hindi kami nag-give up. Naniwala kami na ang gulong ay umiikot lang. Alam naming makakabawi kami, makakapunta ulit kami sa taas. So ayun na nga 'yung nangyari and akala namin talaga maggu-good bye na kami sa Madlang People pero mabait si Lord. Alam niya na kumakapit kami sa kanya and binless niya kami. Fortunately ay nandito pa rin kami, 16 years and still strong."

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA.

BALIKAN ANG UNANG ARAW NG "MAGPASKOSIKAT" NG 'IT'S SHOWTIME' SA GALLERY NA ITO.