GMA Logo jillian ward
What's Hot

Jillian Ward amazes fans with her 'Weak' cover

By EJ Chua
Published January 31, 2024 2:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

jillian ward


Viral ang 'Weak' song cover ng 'Abot-Kamay Na Pangarap' star na si Jillian Ward.

Muling pinahanga ni Jillian Ward ang kanyang fans sa talento niya sa pagkanta.

Sa bagong video na in-upload ni Jillian sa TikTok at sa iba pa niyang social media accounts, mapapanood ang cover niya ng kantang "Weak."

Tila hinarana ng tinaguriang Star of the New Gen ang kanyang fans at netizens.

Sa comments section, mababasa ang ilang papuri ng netizens sa husay na ipinamalas ni Jillian sa pagkanta.

Ang ilan, napa-wow sa ganda ng kanyang boses at ang iba naman sinabing 'perfect' daw talaga ang Sparkle star.

Mayroon nang mahigit 400,000 views ang video ni Jillian sa TikTok.

Panoorin ang naturang video sa ibaba:

@jillianwxrd

Try lang 🥰

♬ original sound - Jillian Ward

Samantala, si Jillian ang isa sa Sparkle stars na talaga namang sinusubaybayan ngayon ng napakaraming viewers.

Kasalukuyan siyang napapanood sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap bilang si Doc Analyn, ang pinakabatang doktor sa bansa.

Patuloy na subaybayan ang kanyang karakter sa pinag-uusapang serye tuwing hapon, ang Abot-Kamay Na Pangarap.

Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.