What's on TV

Jillian Ward, aminadong na-challenge gumawa ng romcom series

By Aedrianne Acar
Published December 26, 2024 3:45 PM PHT
Updated January 3, 2025 4:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 22, 2025
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward on My Ilonggo Girl


Naninibago si Jillian Ward sa kanyang bagong project na 'My Ilonggo Girl': "First time ko magro-romcom talaga na show, kasi mostly ng shows ko po mga drama."

Napatunayan na ng Star of the New Gen na si Jillian Ward ang kalibre niya bilang isang aktres matapos bumida sa high-rating afternoon soap na Abot-Kamay na Pangarap.

Matapos ang dalawang taon sa pagganap bilang Doc Analyn, nabigyan siya ng bagong project sa primetime na ang GMA Public Affairs series na My Ilonggo Girl.

Sa exclusive interview ng Sparkle actress sa GMANetwork.com, ibinahagi niya na nakakapanibago para sa kanya ang bumida sa isang romcom series dahil madalas siyang nalilinya sa heavy drama.

Paliwanag ni Jillian, “Medyo nakaka-pressure po 'tong show na 'to actually, kasi hindi lang niya mate-test 'yung memorization skills ko.

“Ito romcom pa, isa pa 'yun! First time ko magro-romcom talaga na show, kasi mostly ng shows ko po mga drama.

“Puro iyakan, e. Ito po kailangan medyo funny ako, tingin ko hindi ako masyado funny. So ayun, ang dami pong challenge dito sa show na ito.”

Sa GMA Prime series na My Ilonggo Girl, makakatambal ni Jillian ang Sparkada heartthrob na si Michael Sager.

Naunang sinabi ng Kapuso actress sa panayam niya sa "Chika Minute" na mabait katrabaho ang kanyang leading man sa primetime soap.

“I can say the same thing din po kay Michael, kasi una sa lahat, mabait po si Michael. He also looks good, so nae-excite din po ako na maka-work siya.”

For more exclusive content and latest happenings about My Ilonggo Girl, visit GMANetwork.com.

RELATED CONTENT: SHOWBIZ JOURNEY OF JILLIAN WARD