GMA Logo Jillian Ward and Will Ashley in My Mother My Story
Photo by: wardjilly (IG), My Mother My Story, GMA Network
What's on TV

Jillian Ward, aminadong nagkaroon ng feelings para kay Will Ashley noon

By Kristine Kang
Published July 22, 2024 2:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo warns over use of AI in the military
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward and Will Ashley in My Mother My Story


Kumusta na kaya ang lovelife ni Jillian Ward ngayon? Alamin dito.

Maraming tumutok sa panayam ni Jillian Ward sa limited talk series na My Mother, My Story nitong Linggo (July 21).

Maliban sa nakakaantig niyang istorya, kinilig din ang netizens, pati na ang King of Talk na si Boy Abunda, sa ikinuwento niyang love story.

Inamin ni Jillian Ward na naranasan niya nang kiligin, mag-holding hands, at (medyo) first kiss. Ibinunyag din ng Star of the New Gen na nagkaroon na rin siya ng first love.

"Super bata ako nagkagusto ganun. Kasi super close kami, ganyan. Pero parang nag part ways kasi. Parang nag grow apart po, ganun," kwento ni Jillian.

Nang tanungin ni Boy Abunda si Jillian Ward kung ano ba ang relasyon niya sa co-stars na sina Jeff Moses at Will Ashley, madalas niyang isagot ang "I can't say" at "sila (ang) tanungin ni'yo."

Pero inamin din ng Kapuso aktres na nagka-developan sila ni Will Ashley ng feelings noon dahil matagal na silang naging magkatrabaho sa showbiz.

"I think nasabi niya po ito noong younger po kami. Parang nagkaroon rin ng ganoong feelings kasi nga po we grew up together. Parang ilang years din po kami na kababata po kasi kami. Ilang years po kami magkasama sa shows. Parang sunod sunod po kami magkasama," paliwanag ni Jillian.

Sa ngayon hindi pa handa ang Abot-Kamay na Pangarap star pumasok sa isang relasyon dahil alam niya kung gaano dapat kaseryoso at responsable ito.

" I think it's not a joke. I think hindi po siya something na tinetake lightly so ako po as much as possible iniwasan ko pong ma-in-love sa ngayon. Kasi I feel like 'yung love po kasi kapag hindi ka pa talaga ready, kung wala ka pang sarili mo talagang life, parang puwedeng maging dependent ka po sa magiging partner mo and I think hindi po iyon fair sa iyo personally and sa magiging partner mo. So naniniwala po ako para sa akin, kailangan ko muna may sarili akong life bago ako maging wife, ganun," sabi niya.

Ayon sa kaniyang ina na si Jennifer Ward, madalas pa nga raw siya mismo ang tumutulak sa kaniyang anak para lang ma-enjoy ang pagiging 19 years old.

Aminado rin si Jillian Ward na masyado niyang hinihigpitan ang kaniyang sarili na mag-focus lamang sa kaniyang career at pamilya.

"Actually, aminado po ako medyo dinede-deprive ko 'yung sarili ko kasi parang ayoko po talagang mawala muna 'yung focus ko sa family and sa work," sabi niya.

Dahil nakita ni Jillian ang mga sakripisyo ng kaniyang ina para sa kanilang magkakapatid, naging pangarap niya na bigyan ito ng pagkakataon para mag-focus naman sa kaniyang sarili.

Aniya, "I think mostly because may deeper meaning po kasi siya. I think kasi 'yung mother ko maaga pong nagkaroon siya ng mga anak so hindi niya na-experience 'yung life talaga na gusto niya. (And) Maaga po siya na inalagaan niya po kami. Hindi siya nakakalabas at the time. So ngayon, parang ang gusto ko ako po 'yung mag-work muna. Ako 'yung magbigay ng sobrang time sa family ko and let my mother do what she wants to do. Lumabas siya ganun."

Panoorin ang full episodes at highlights ng TV special My Mother, My Story sa mga social media pages at website ng GMA Network.

Samantala, tingnan ang mga behind-the-scenes ni Jillian Ward sa programa: