
Nalalapit na ang pagtatapos ng award-winning GMA medical drama na Abot-Kamay Na Pangarap.
Bago ito, isang media conference ang idinaos, kung saan nakaharap ng press ang star-studded cast nito.
Sa mismong event, naging emosyonal ang cast habang nagbibigay sila ng pahayag tungkol sa upcoming finale.
Ang aktres na si Carmina Villarroel na napapanood bilang si Lyneth, hindi napigilan ang pagtulo ng kanyang luha habang nagsasalita.
Pahayag ni Carmina, “Maraming salamat po. Gusto kong pasalamatan talaga isa-isa... Sorry po ah, hindi ko talaga mapigilan ang [pagluha]…”
Naiyak din ang lead star ng serye na si Jillian Ward habang inilalahad kung bakit napakahalaga sa kanya ng proyektong ito.
“Ito po kasing show na ito, idine-dedicate ko siya sa late grandmother ko,” sabi ni Jillian.
Kasunod nito, nagbigay rin ng mensahe ng pasasalamat ang Sparkle actress.
Si Jillian ay kilalang-kilala ng mga manonood bilang si Dra. Analyn Santos, ang pinakabatang doktor sa bansa.
Bukod sa Star of the New Gen, naging emosyonal din ang isa sa mga kontrabida sa serye na si Kazel Kinouchi.
Ayon kay Kazel na napapanood bilang si Dra. Zoey, itinuturing na niyang pamilya ang cast at production team ng Abot-Kamay Na Pangarap.
Sabi niya, “I treat them talaga as family.”
Habang ipinapaabot ang kanyang pasasalamat, naluha rin ang batikang aktres na si Dina Bonnevie.
“All things must come to an end. We want to say Thank you,” pahayag niya.
Samantala, tatlong linggo na lang at mapapanood na ang huling episode ng Abot-Kamay Na Pangarap.
Huwag palampasin ang natitirang huling mga tagpo sa hit GMA medical drama series.
Mapapanood ang Abot-Kamay Na Pangarap tuwing Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: