What's Hot

Jillian Ward, binalikan ang taong 2025

By Marah Ruiz
Published December 19, 2025 2:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Straight from the Expert: Lechon, the star of every Filipino Christmas table (Teaser)
PRO-10 deploys nearly 500 cops to boost holiday security in NorthMin
Water Resilience - Global Compact Network Philippines | Need To Know

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


Paano ilalarawan ni Jillian Ward ang taong 2025?

Binalikan ni Star of the New Gen Jillian Ward ang taong 2025 at ang kanyang naging mga karanasan dito.

"Transformative," paglalarawan niya.

Matatandaang maraming hamon ang hinarap ng aktres sa taong ito.

Kabilang ang ispekulasyon na mayroon siyang "sugar daddy" na gumagastos para sa magarbo niyang lifestyle -- bagay na pinabulaanan ni Jillian.

Taong 2025 din isiniwalat ng kanyang Prima Donnas co-star na si Sofia Pablo ang tungkol sa hindi nila pagkakaintindihan pero minarapat ni Jillian na hindi na ito tugunan.

Ginamit na lang daw niya ang mga karanasang ito para kapulutan ng aral.

"Sobrang dami ko pong natutunan. Marami akong kinailangang ma-overcome but I feel like I needed that para talaga maging better person ako--better person, better artist," paliwanag ni Jillian.

Nagko-concentrate na lang siya sa self-improvement. Sa katunayan, isa sa goals niya sa 2026 ang maging mas magaling na live performer.

"Nagiging consistent na po ako sa pagda-dance class ko. Nagjo-jog din ako para maging mas stable 'yung boses ko 'pag kumakanta habang sumasayaw. Nag-start na 'kong mag-singing classes," bahagi niya.

Source: jillian (IG)

Samantala, sa susunod na taon na mapapanood ang upcoming action-drama series ni Jillian na Never Say Die.

Gaganap siya rito bilang anak ng pulis na magiging target ng sindikato matapos niyang ma-witness ang isang krimen.

Makakasama niya sa serye sina David Licauco, Richard Yap, Raymart Santiago, Raheel Bhyria, Kim Ji Soo at marami pang iba.

Bukod sa pagbida sa serye, si Jillian din ang kumanta ng isa sa mga awit na bahagi ng original soundtrack ng serye.

"More on inspirational and nakakagising din 'yung song. Tamang-tama siya po for the show kasi puro action 'yung mga eksena namin, parang action with a purpose," paglalarawan niya sa kanta na ni-record niya kamakailan.

Abangan si Jillian Ward sa Never Say Die, malapit na sa GMA Prime.

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.