
May panibagong achievement si Jillian Ward sa social media.
Kapansin-pansin na hindi lang sa telebisyon sinusubaybayan ng mga manonood si Jillian kundi pati na rin online.
Noong May 2022, mayroong 4 million followers ang TikTok account ni Jillian, at makalipas lang ang halos isang taon, mayroon na itong mahigit 7 million followers.
Kapag hashtags naman ang pag-uusapan, umabot na sa 1.6 billion ang #jillianward sa TikTok.
Mapapanood sa account ng aktres sa naturang video-sharing app ang ilan sa kanyang solo dance videos, videos kasama ang ilang celebrities, at ang makulit na TikTok entries niya kasama ang kanyang Abot-Kamay Na Pangarap co-stars.
Kabilang na rito sina Jeff Moses, Richard Yap, Eunice Lagusad, Kazel Kinouchi, Chuckie Dreyfus, at ang binansagan nilang TikTok Queen na si Pinky Amador.
Samantala, ang former child star ay napapanood ngayon sa afternoon inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Kilalang-kilala siya rito bilang si Doc Analyn, ang genius at pinakabatang doktor sa bansa.
Siya rin ang nag-iisa at mapagmahal na anak ni Lyneth, ang karakter na ginagampanan ni Carmina Villarroel sa serye.
SILIPIN ANG BEACH PHOTOS NI JILLIAN WARD SA GALLERY SA IBABA: