GMA Logo Jillian Ward
What's on TV

Jillian Ward gives her opinion about privacy among celebrities

By Kristian Eric Javier
Published October 19, 2024 3:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - PCO press briefing with DFA (May 25, 2026) | GMA News
Eastern Visayas’ Tajarros bags 1st gold in 2026 Palarong Pambansa
Farm to Table: (May 24, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


What does Jillian Ward think about celebrities and their privacy. Read here:

Bilang mga public figure, isa sa mga issue na kinakaharap ng mga artista ay ang kawalan ng privacy. Kaya naman nagbigay ng opinion ang Star of the New Gen na si Jillian Ward tungkol dito:

Ngayong magtatapos na ang hit medical drama series niya na Abot-Kamay na Pangarap, tanong ng marami ay kung ano na ang susunod na gagawin ni Jillian.

“Well, for sure magpapahinga po muna ng onte, pero may gagawin po akong movie soon na medyo challenging po talaga 'yung character. And maraming-marami pa po kayong aabangan,” sabi ni Jillian sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, October 18.

Dagdag ni, hindi pa nila puwedeng pag-usapan ang bagong proyekto ng young actress ngunit ipinangako ni Jillian na babalik siya sa naturang talk show kapag pwede na.

BALIKAN ANG BUONG PAGPAPASALAMAT NI JILLIAN SA 'ABOT KAMAY NA PANGARAP' SA GALLERY NA ITO:

Napag-usapan din nina Boy at ni Jillian Ward ang tungkol sa privacy ng mga artista, at kung may karapatan ba silang magreklamo tungkol dito, at sa kanilang trabaho.

Tanong ni Boy, “Minsan naiisip mo ba, walang tulog, wala ka nang privacy, ang daming intriga, oras. Sa palagay mo ba may karapatan tayo, hindi lang ikaw, tayo, magreklamo?”

“Well, to an extent, siyempre po kasi tao lang din naman po tayo, lalo a po 'yung ibang mga artistang sobrang pino-protect po nila 'yung privacy nila pero minsan wala po silang magawa, talagang parang ano po tayo e, apple of the eye,” sagot ni Jillian.

“Lahat po napapansin so I think deserve din po natin na magkaroon ng privacy, pero I think we have to work on it. Responsibility pa rin po natin,” pagpapatuloy ng aktres.

Kamakailan lang ay binulabog ang kilalang P-Pop girl group na BINI ng fans sa kanilang mismong hotel room para magpa-picture, kahit pa tapos na ang show at nagpapahinga na sila. Dahil dito ay hiniling ng grupo ang privacy mula sa kanilang fans.