What's Hot

Jillian Ward, gustong maging mas magaling na performer sa 2026

By Marah Ruiz
Published December 18, 2025 12:52 PM PHT
Updated December 18, 2025 12:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - NBI serves warrant of arrest against Sarah Discaya today, Dec. 18, 2025 | GMA Integrated News
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


Sinisikap ni Jillian Ward na maging mas magaling na performer sa 2026.

Isa sa goals ni Star of the New Gen Jillian Ward para sa 2026 ang ma-improve ang kanyang skills sa pagkanta at pagasawayaw.

Dahil dito, kumukha si Jillian ng iba't ibang classes para mas mapaganda ang kanyang live performances.

"Nagiging consistent na po ako sa pagda-dance class ko. Nagjo-jog din ako para maging mas stable 'yung boses ko 'pag kumakanta habang sumasayaw. Nag-start na 'kong mag-singing classes," bahagi niya.

Binalikan din ni Jillian ang 2025, taon kung saan humarap siya sa maraming hamon.

"Transformative [year ang 2025]. Sobrang dami ko pong natutunan. Marami akong kinailangang ma-overcome but I feel like I needed that para talaga maging better person ako--better person, better artist," aniya.

Source: jillian (IG)

Samantala, sa susunod na taon ay mapapanood na ang upcoming action-drama series ni Jillian na Never Say Die.

Gaganap siya rito bilang anak ng pulis na magiging target ng sindikato matapos niyang ma-witness ang isang krimen.

Makakasama niya sa serye sina David Licauco, Richard Yap, Raymart Santiago, Raheel Bhyria, Kim Ji Soo at marami pang iba.

Bukod sa pagbida sa serye, si Jillian din ang kumanta ng isa sa mga awit na bahagi ng original soundtrack ng serye.

"More on inspirational and nakakagising din 'yung song. Tamang-tama siya po for the show kasi puro action 'yung mga eksena namin, parang action with a purpose," paglalarawan niya sa kanta na ni-record niya kamakailan.

Abangan si Jillian Ward sa Never Say Die, malapit na sa GMA Prime.

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.