GMA Logo jillian ward
Source: jillian (IG) & jillianwxrd (TikTok)
Celebrity Life

Jillian Ward, gustong pasukin ang mundo ng gaming

By Faye Almazan
Published April 1, 2025 11:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Beauty Gonzalez, sinabing very supportive sa kaniyang career ang mister na si Norman
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News

jillian ward


Ano nga ba ang mga pinagkakaabalahan ni Jillian Ward ngayon?

Inilalaan ni Star of the New Gen Jillian Ward ang kaniyang free time ngayon sa pag-aaral ng bagong skills.

Ayon sa 24 Oras report ni Aubrey Carampel ay ine-enjoy ni Jillian ang free time pagkatapos ng kaniyang series na My Ilonggo Girl.

Sa interview ay sinabi ng Sparkle star na nais rin niyang subukin ang gaming.

“Ngayon parang gusto ko rin i-explore 'yung mundo ng gaming. Baka bumili rin ako ng bagong PC,” ani Jillian.

Bukod dito ay nahihilig din si Jillian sa pagwo-workout at kamakailan lang rin ay nagsimulang mag-aral ng pagtugtog ng piano.

Sa isang TikTok video ay hindi lamang pinarinig ni Jillian ang kanyang talent sa pagkanta ngunit maging ang pag-aaral niya sa pagtugtog sa piano ng kantang “The Only Exception” ng Paramore.

“[T]rying to learn the piano haha,” sabi ni Jillian sa caption ng post.

@jillianwxrd

trying to learn the piano haha

♬ original sound - Jillian Ward

RELATED GALLERY: JILLIAN WARD CELEBRATES 20TH BIRTHDAY