GMA Logo Jillian Ward
What's Hot

Jillian Ward, may napansin sa bago niyang kontrabida sa 'My Ilonggo Girl'

By Aedrianne Acar
Published February 21, 2025 10:12 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ahtisa Manalo returns to hometown in Quezon
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


Ginagampanan ng versatile actress and cosplayer na si Myrtle Sarrosa ang kontrabida role sa high-rating mini-series na 'My Ilonggo Girl.'

Sa 'My Ilonggo Girl,' babalik na si Venice matapos ang mahirap na operasyon. Matatandaan na nasabuyan ng asido ang mukha nito kung kaya't kinailangan niyang sumailalim sa surgery. Sa kanyang pagbabalik dala niya ang kagusutuhan na maghiganti kay Tata (Jillian Ward).

Simula ngayong Linggo, ipinakilala na rin sa hit GMA Prime mini-series na ang cosplayer na si Myrtle Sarrosa, ang gaganap sa role ni Venice na magiging tinik sa buhay ng ating pretty Ilongga.

Sa panayam ng 24 Oras kay Jillian Ward, nagkuwento ito sa experience niya na makasama si Myrtle sa taping.

“Second taping day pa lang po namin na magkasama, pero, super gaan po niya kasama. Super bait po niya, tapos 'yung boses niya napakalambing,” ani Jill.

Ramdam naman ni Myrtle ang pressure na mapantayan ang pagganap ng Star of the New Gen sa role ni Venice.

Pag-amin niya sa 24 Oras, “Grabe, ang ganda ng pagkaka-portray talaga ni Jill kay Venice and of course to be part of Book 2 and ituloy 'yung pag-portray niya kay Venice, it's really challenging para sa akin.”

Bukod kay Jill, puring-puri din ng Sparkle hunk na si Vince Maristela ang attitude ni Myrtle sa shooting nila sa My Ilonggo Girl.

Kuwento niya sa GMANetwork.com, “Napakagandang experience ang makatrabaho si Myrtle Sarrosa. Bukod sa pagiging talented, sobrang dedicated niya sa craft niya. Sa set, dala niya lagi ang energy at professionalism, kaya ang dali lang bumuo ng chemistry at gawing natural ang mga eksena namin.

Panoorin ang buong panayam kay Jillian Ward sa video sa ibaba:

RELATED GALLERY: Jillian Ward's transformation from child star to teen star