GMA Logo jillian ward
Courtesy: jillianwxrd (TikTok)
Celebrity Life

Jillian Ward hops on 'Marikit sa Dilim' TikTok trend

By EJ Chua
Published March 12, 2024 11:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Royce Cabrera raises awareness after bag gets stolen, then later recovered
Farm to Table: Classic Pinoy dishes
Gazini Ganados needs 100k votes for MGI All Stars

Article Inside Page


Showbiz News

jillian ward


May mahigit 6 million views na ang entry ng 'Abot Kamay Na Pangarap' star na si Jillian Ward sa 'Marikit sa Dilim' TikTok trend.

Bukod sa pagiging mahusay na lead star sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap, isa ring TikTok babe si Jillian Ward.

Ang kanyang bagong video niya sa TikTok ang isa sa mga patuloy na humahakot ng million views.

Ito ay ang kanyang entry para sa TikTok trend na 'Marikit sa Dilim.'

Suot ang isang white na jersey, game na game na ginawa ni Jillian ang steps ng naturang trend.

Sa comments section ng video, mababasa ang ilang comments ng kanyang fans na talaga namang namangha sa entry ng kanilang idol.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 6.4 million views ang video ng tinaguriang Star of the New Gen.

@jillianwxrd

Happy birthday to me :D

♬ Marikit sa Dilim - Carl & Angela

Napapanood si Jillian sa Abot-Kamay Na Pangarap bilang si Doc Analyn, ang pinakabatang doktor sa bansa.

Samantala, ilang videos pa ng Sparkle star ang humahakot din ng million views.

Kabilang na rito ang videos niya kasama ang kanyang co-stars sa naturang medical drama series.

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye tuwing hapon, ang Abot-Kamay Na Pangarap.

Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 2:00 p.m. at Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: