What's on TV

Jillian Ward, ibinida ang medical scenes na mapapanood muli sa 'Abot-Kamay na Pangarap'

By Marah Ruiz
Published April 13, 2024 5:47 PM PHT
Updated April 13, 2024 6:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, shear line, easterlies to bring cloudy skies, rains on Monday
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


Ayon kay Jillian Ward, maraming medical scenes ang dapat abangan sa parating na episodes ng 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

Magbabalik na ang medical scenes sa hit GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay na Pangarap.

Ayon sa lead star nitong si Jillian Ward, maihahambing sa COVID-19 lockdown ang mga eksenang dapat abangan sa mga parating na episodes ng serye.

"Ngayon naman po, talagang may aral po ulit about sa medical. Bumabalik po kami sa mga medical scenes. Nasa ospital po ulit kami at mayroon pong outbreak. Makakapagbigay knowledge po ito kung anong mga puwedeng gawin natin, kung paano natin mape-prevent 'yung mga ganitong klaseng situations," lahad ng aktres.

Aabutan kasi ng lockdown sa ospital ang karakter ni Jillian na si Doc Analyn pati na si Doc Lyndon na karakter naman ni Ken Chan.

May bagong karakter ding papasok sa serye at gagampanan ito ng singer at aktor na si Ronnie Liang.

"Ako po si Dr. Mañago, ang medical director ng San Regado Medical Hospital. Hindi sila nakakaalis dito dahil idineklara ko ho ang total lockdown ng ospital," paliwanag ni Ronnie tungkol sa kanyang karakter.

Kasabay ng taping ng Abot-Kamay na Pangarap, naghahanda na rin si Jillian para sa upcoming movie nila ni Ken Chan.

Isa itong love story at kahit hindi pa nakakapasok sa isang relasyon ni Jillian, sisikapin daw niyang magampanan nang mabuti ang role niya sa pelikula.

"Bilang tao naman po, kahit wala pa po ako sa mga relationships na 'yan, siyempre kinilig na rin po ako. Na-experience ko na rin kiligin," bahagi niya.

Nag-react rin si Jillian sa deklarasyon ng newbie Sparkle actor na si Matthew Uy tungkol sa longtime crush nito sa kanya.

Matthew Uy

Image Source: raymondcauilan/matthewuy_ (Instagram)

"Napanood ko nga po e. Siyempre nakaka-flatter po, nakakatuwa. Natutuwa po ako. Thank you so much," ani Jillian.

"Actually, na-meet ko po siya. Mabait po siya and I hope to work with him soon din po," dagdag pa niya.

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras sa video sa itaas.