GMA Logo Jillian Ward Ken Chan
Courtesy: akosikenchan (IG)
What's on TV

Jillian Ward, Ken Chan, magkasamang bibida sa isang pelikula

By EJ Chua
Published March 27, 2024 2:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DOH on holiday health and emergency preparedness (Dec. 22, 2025) | GMA Integrated News
Cops foil delivery of suspected shabu, explosives in Ozamiz
Puto bumbong-inspired drink this Christmas

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward Ken Chan


May dala rin kayang kilig vibes ang 'Abot-Kamay Na Pangarap' stars na sina Jillian Ward at Ken Chan sa big screen?

Bukod sa hit GMA medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, magiging abala na rin ang Sparkle stars na sina Jillian Ward at Ken Chan sa isa pang proyekto.

Sa kauna-unahang pagkakataon, magsasama sa big screen sina Jillian at Ken.

Related Gallery: Kilig moments nin Jillian Ward at Ken Chan

Ngayong May 2024, pupunta ang dalawang Kapuso stars sa Taiwan para sa shooting ng first movie na kanilang pagbibidahan.

Sa Chika Minute report na ipinalabas sa 24 Oras nito lamang Martes, March 26, kapansin-pansin sa naging panayam kay Jillian kung gaano siya ka-excited sa nasabing proyekto.

Pahayag ng tinaguriang Star of the New Gen, “Sobrang nae-excite na po ako.”

May pahapyaw pa si Jillian tungkol sa istorya nito, “Hindi po siya 'yung usual na love story sa isang pelikula.”

Samantala, si Jillian ay napapanood bilang lead star sa Abot-Kamay Na Pangarap.

Kilalang-kilala siya ng mga manonood bilang si Doc Analyn Santos, ang pinakabatang doktor sa bansa.

Si Ken naman ay napapanood sa serye bilang si Doc Lyndon Javier, doktor tulad ni Doc Analyn na may lihim na pagtingin sa kaniya.

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye RITO.