
Naghahanda na ang GMA Prime action-drama series na Never Say Die para sa huling tirada nito.
Sa huling dalawang linggo ng serye, ibinida ni Star of the New Gen Jillian Ward ang mga eksenang dapat abangan dito.
Ayon sa aktres, magiging hitik sa aksiyon para na iba't ibang rebelasyon ang susunod na episodes na programa.
"Full force na po talaga 'yung ginagawa namin ngayon. Full force na 'yung effort, lahat-lahat. Na-excite din po ako sa kalalabasan kasi mas intense na po 'yung scenes, mas intense na lahat," paliwanag ng aktres.
Bukod naman sa natitirang dalawang linggo ng serye, busy rin si Jillian sa paghahanda para sa kanyang upcoming concert.
"First ever concert ko po sa July 31, sa New Frontier Theater. I'm very excited kasi passion ko din po talaga 'yung pagpe-perform," lahad niya.
Dahil ito ang kauna-unahang concert niya, sumailalim siya sa voice lessons bilang paghahanda para rito.
"Siyempre po, may kaba, lalo na po talagang this time, magiging seryoso na po talaga 'yung mga performances ko. Kasi 'yung dati po parang siyempre katuwaan lang," paliwanag niya.
Image Source: jillian (Instagram)
Samantala, patuloy na panoorin si Jillian Ward bilang isa sa lead stars ng action-drama series na Never Say Die.
Abangan ito Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
SILIPIN ANG 21ST BIRTHDAY PORTRAITS NI JILLIAN WARD DITO: