
Bumisita ang team ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa set ng GMA's top-rating at trending series na Abot-Kamay Na Pangarap kamakailan.
Dito, nakapanayam ng batikang broadcast journalist na si Jessica Soho ang isa sa lead stars ng serye na si Jillian Ward.
Kabilang sa napag-usapan nila ay kung paano ilalarawan ni Jillian ang kanyang karakter sa naturang hit series.
Ayon sa Sparkle star, determinado raw ang kanyang karakter sa serye na si Doc Analyn, ang pinakabatang doktor sa bansa.
Pahayag niya, “Sobrang mahal niya po si Nanay Lyneth. So gagawin niya po talaga lahat para maabot po 'yung pangarap po nilang mag-ina.”
Ang gumaganap bilang Lyneth ay ang aktres na si Carmina Villarroel.
Patuloy na napapanood sina Jillian at Carmina bilang mag-ina sa serye na nagsisilbing inspirasyon ngayon sa napakaraming Pinoy viewers.
Samantala, sa pagpapatuloy ng istorya ng medical drama series, kaabang-abang kung ano pa ang mangyayari sa buhay ng mag-ina habang nakapaligid ang ilang kontrabida sa kanilang buhay.
Abangan ang mga kapana-panabik na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: