GMA Logo jillian ward
Source: jillian (IG)
What's Hot

Jillian Ward, ipakikilala si 'Big Guy' sa kanyang concert?

By Marah Ruiz
Published May 2, 2026 11:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH civilian mission plants PH flag on Pagasa Cay 2 amid Chinese vessels' presence
La Union wins Miss Universe Philippines 2026 crown
M1ss Jade So, Angel, and Popstar Bench to headline Australia drag shows

Article Inside Page


Showbiz News

jillian ward


Makikilala na ba ang mystery "Big Guy" ni Jillian Ward sa kanyang upcoming concert?

Kumpirmado na ang upcoming concert ni Star of the New Gen Jillian Ward.

Matatandaang may special project na tini-tease si Jillian kamakailan.

"First ever concert ko po sa July 31, sa New Frontier Theater. I'm very excited kasi passion ko din po talaga 'yung pagpe-perform," lahad niya.

A post shared by Jillian Ward (@jillian)

Bilang paghahanda, sumailalim sa voice lessons si Jillian. Bukod dito, kumukuha rin siya dance lessons at tine-train ang stability ng boses sa pamamagitan ng jogging.

Isa kasi sa goals niya ngayong taon ang maging mas magaling na performer.

"Siyempre po may kaba, lalo na po talagang this time, magiging seryoso na po talaga 'yung mga performances ko. Kasi, 'yung dati po parang, siyempre, katuwaan lang," paliwanag niya.

Dahil espesyal ang concert, isasama na kaya niya rito ang mystery "Big Guy" para makilala na ito sa wakas ng kanyang mga tagahanga?

"Kung pupunta po. Ay!" natatawang sagot niya.

Panoorin ang kabuuan ng panayam dito:

Kasabay ng paghahanda niya sa concert, bumibida rin si Jillian sa action-drama series na Never Say Die.

Panoorin ito Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.

Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.

SILIPIN ANG 21ST BIRTHDAY PORTRAITS NI JILLIAN WARD DITO: