
Simula nang ihayag ni Star of the New Gen Jillian Ward na “morenong-chinito” ang kaniyang celebrity crush, ay nagkaroon na ng mga haka-haka ang netizens kung sino nga ba ito. Ang pangunahing hula nila, ang My Ilonggo Girl co-star niya na si Michael Sager.
Matatandaan na sa isang panayam ay inamin ni Jillian Ward na mayroon siyang crush na celebrity, ngunit hindi siya nagbigay ng detalye kung sino ito. Sa naunang panayam niya sa Fast Talk with Boy Abunda noong October 2024 nagbigay na ng clue ang Sparkle actress tungkol sa kanyang crush.
Sa “Fast Talk” segment ng afternoon talk show kung saan tinanong siya ni King of Talk Boy Abunda kung moreno ba o chinito ang tipo niya sa isang lalaki, ang sagot ni Jillian, “Morenong chinito.”
Sa naturang show nitong Huwebes, December 2, deretsahan nang tinanong ng batikang host ang aktres tungkol sa celebrity crush niyang morenong chinito.
Ani Boy, “Si moreno-chinito ay si Michael Sager ba?”
Sagot ni Jillian, “Actually, ang dami pong nag-iisip na siya, pero masasabi ko po na ang tinutukoy kong crush na ito, actually hindi siya ganu'n ka-moreno, hindi ko na-clear 'yun. And naka-work ko 'tong crush kong ito sa Abot-Kamay [Na Pangarap].”
Pag-amin ni Jillian ay nabulong na niya kay Boy kung sino ang naturang crush niya, ngunit naninindigan umano ang batikang host sa kaniyang pangakong hindi ito sasabihin.
BALIKAN ANG BIRTHDAY WISHES NG 'ABOT-KAMAY NA PANGARAP' BOYS NOONG NAKARAANG KAARAWAN NI JILLIAN SA GALLERY NA ITO:
Sa "Fast Talk" segment ng show ay muling nagbigay si Jillian ng clue tungkol sa kaniyang crush. Aniya, kapareha niya ito na nonchalant at mahiyain.
Kuwento naman ng aktres, hindi sila masyado nagkausap ng kaniyang celebrity crush nitong nakaraang holidays bukod sa ilang greetings, pangungumusta, at messages ng "I miss you."