GMA Logo jillian ward
Source: jillian (IG)
What's Hot

Jillian Ward, may update sa kanyang love life

By Marah Ruiz
Published March 22, 2026 3:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fertilizer price hike to affect next rice harvest — farmers’ group
Letran dominates San Beda in SF Game 1; still unbeaten in 15 games
Dine 'dampa' style or play pickleball at this commercial complex in Pasay City

Article Inside Page


Showbiz News

jillian ward


Nagbigay si Jillian Ward ng update tungkol sa kanyang love life.

Tungkol sa biglang pagdating ng love ang bagong single ni Star of the New Gen Jillian Ward na "Pumapag-ibig."

Si Jillian mismo ang co-writer ng kanta kaya personal daw ito sa kanya.

"Actually, binigay po siya sa akin na na-compose na po nila 'yung song, pero marami akong mga binagong lyrics na mas na-express ko 'yung nararamadaman ko talaga," bahagi ng aktres matapos niyang i-perform ang kanta for the first time sa weekend variety show na All-Out Sundays.

Idine-dedicate daw ni Jillian ang kanta sa lahat ng nakaranas magmahal.

"Sana magustuhan niyo po 'yung song. Tuwing pinapakinggan niyo 'to, isipin niyo na lang kung sino ba talaga ang nakakuha ng puso ninyo at talagang nakasapul sa puso ninyo. This song is for everyone na pumapag-ibig," lahad niya.

Source: alloutsundays7 (IG)

Dahil ganito ang tema ng kanta, hindi naman nakaiwas si Jillian sa tanong tungkol sa sarili niyang love life.

Pumapag-ibig na rin ba si Jillian ngayon?

"Magsisinungaling ako 'pag sinabi kong hindi," matalinghagang sagot ng aktres.

Hindi na rin siya nagbigay ng iba pang detalye tungkol dito pero matatandaang sa mga nakaraang interview niya, binanggit ni Jillian na ready na siyang magkaroon ng boyfriend.

Inamin din niyang mayroon nang lalaking nanliligaw sa kanya at ipinangakong ipapakilala ito sa tamang panahon.

Samantala, bumibida si Jillian sa action-drama series na Never Say Die.

Panoorin ito Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.

Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.

SILIPIN DIN ANG CONTRACT SIGNING NI JILLIAN WARD SA SPARKLE GMA ARTIST CENTER: