GMA Logo Jillian Ward and Michael Sager
Source: 24 Oras, gmanews/YT
What's on TV

Jillian Ward, Michael Sager, ipapamalas ang ganda ng Iloilo sa 'My Ilonggo Girl'

By Kristian Eric Javier
Published January 12, 2025 2:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

14k civilians pass PNP entrance exams, 2,9k cops qualify for promotion
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward and Michael Sager


Ganda ng Iloilo at kakaibang kilig ang hatid nina Jillian Ward at Michael Sager sa 'My Ilonggo Girl'

Ipapamalas nina Jillian Ward at Michael Sager hindi lang ang kanilang magandang chemistry, kundi maging ang kanilang Iloilo experience sa upcoming romantic comedy series na My Ilonggo Girl.

Sa panayam sa kanila ni Nelson Canlas para sa 24 Oras Weekend, ipinahayag nina Jillian at Michael kung gaano sila ka-thankful na maipakita ang ganda ng Iloilo sa kanilang serye. Katunayan, habang kinukunan nila ang serye doon ay sinigurado ng dalawang bida na makukuha nila ang full Iloilo experience.

Kuwento ni Jillian ay kumain sila ng iba't ibang specialties ng Iloilo katulad ng batchoy.

“Nu'ng nag-rest day po kami, talagang ang ginawa po namin, inikot namin ang Iloilo. [Michael: Buong Iloilo.] Opo. Pumunta kami sa Molo Church, mga plaza po nila, [Michael: Sa port], kuwento nina Jillian at Michael.

TINGNAN ANG DRESS TO IMPRESS STYLES NG MGA BIDA NG 'MY ILONGGO GIRL' SA GALLERY NA ITO:

Ayon sa dalawang bida ng serye ay mapapanood ang My Ilonggo Girl na may tamang blend ng katatawanan, drama, at kakaibang twist and turns sa kuwento. Pero pag-amin ni Jillian, dahil dual roles ang gagampanan niya rito, ay tila “nangangalay” siya sa kaniyang roles.

“Honestly po, kinakabahan po ako pero sabi ko nga e, binigay 'to ni Lord so I just wanna have fun. Kung ano man ang maging outcome ng show, ang importante e nagkaroon po ako ng mga bagong friends dito,” sabi ng Star of the New Gen.

Pagpapatuloy pa ng aktres, “I think naman, marami po kaming mapapasaya so sana naman abangan po nila ang show.”

Samantala, aminado si Michael na malaki ang naitulong ng pagtatambal nila sa Abot-Kamay Na Pangarap kung saan sila unang nagkatrabaho para maabot ang tamang chemistry at kilig sa bago nilang love team.

“Jillian and I just really got closer through this project because at first, sa Abot-Kamay, nahihiya ako sa kaniya e, kasi of course, si Doc Analyn siya. Off cam sa Abot, parang andu'n lang akom nbakikipag-TikTok,” kuwento ng aktor.

Kahit nahihiya, nilinaw naman ni Michael na mabait at very approachable si Jillian at katunayan, madalas silang magkuwnetuhan tungkol sa kung ano-anong topics.

Mapapanood na ang My Ilonggo Girl simula ngayong Lunes, January 13, 9:35 p.m., sa GMA Primetime.

Panoorin ang buong panayam sa kanila rito: