
Huling-huli ng onscreen chemistry nina Jillian Ward at Michael Sager ang kilig ng viewers sa eksena nila sa My Ilonggo Girl nitong Lunes ng gabi, January 20.
Napakapit ang lahat sa scene ni Francis (Michael Sager) na hinahanap ang nagri-ring na smart phone ni Tata (Jillian Ward).
Umabot sa punto na halos magkalapit na ang mukha ng dalawa. 'Yun nga lang naputol ang sweet moment nang nagising si Tata at nagulat sa ginagawa ni Francis.
Makikita sa comment section ng Facebook page ng GMA Public Affairs na marami ang kinilig at pinuri ang magandang tambalan nina Jillian at Michael na binansagan ng fans na “MicJill.”
Kung gusto n'yo ulit-ulitin ang ilan pang 'MicJill' moment sa My Ilonggo Girl, bisitahin lamang ang GMANetwork.com o i-check ang social media pages ng GMA Public Affairs.
RELATED CONTENT: JILLIAN WARD, KINILIG SA SORPRESA NI MICHAEL SAGER