
Agad na na-hook ang mga viewers sa kuwento ng mag-'kalokalike' na sina Tata (Jillian Ward) at Venice (Jillian Ward) sa bagong GMA Prime kilig serye na My Ilonggo Girl.
Ang romcom series ay handog ng GMA Public Affairs at pinagbibidahan ni Star of the New Gen Jillian Ward at primetime heartthrob Michael Sager.
Talagang sinubaybayan sa primetime ang first episodes ng My Ilonggo Girl at nakapagtala pa ito ng 7.0 percent TV rating noong Huwebes, January 16 base sa datos ng NUTAM People Ratings.
Kung nabitin kayo sa sweet moments ng My Ilonggo Girl sa GMA Prime at gusto n'yo maging updated sa mga paborito n'yong artista sa show, bisitahin lamang ang GMANetwork.com
Samantala, tutukan mamaya ang world premiere ng much-awaited action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan na pinangungunahan ni primetime action hero Ruru Madrid.
Manood ng grand pilot episode nito sa oras na 8:00 pm, pagkatapos ng 24 Oras.
RELATED CONTENT: Jillian Ward, kinilig sa sorpresa ni Michael Sager