GMA Logo Jillian Ward
source: jillian/IG
Celebrity Life

Jillian Ward, nagkuwento ng kaniyang realizations sa ika-20 kaarawan

By Kristian Eric Javier
Published February 24, 2025 7:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi (December 20, 2025) | GMA Integrated News
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


Sa pagpasok ni Jillian Ward sa kaniyang 2.0 era, handa na kaya siyang pumasok sa isang relationship?

Sa pagdiwang ni My Ilonggo Girl star Jillian Ward ng kaniyang ika-20 kaarawan at pagpasok niya sa kaniyang 2.0 era, maraming realizations ang ibinahagi ng aktres.

Sa kaniyang panayam kay Nelson Canlas para sa 24 Oras Weekend nitong February 23, inamin ni Jillian na nagkaroon siya ng time to contemplate tungkol sa buhay.

“Recently po kasi napansin ko ang daming nagkakasakit, even myself, so nagkaroon ako ng time to contemplate about life. Nag-self-reflect ako, sabi ko, 'Life is so short, gusto ko mag-show ng appreciation sa lahat ng mga taong nasa buhay ko, mga taong sumuporta sa'kin or nagbigay sa'kin ng experiences,'” sabi ni Jillian.

Nabanggit din ng Star of the New Gen, “Kasi sobrang hindi mo po alam kung anong mangyayari sa buhay mo.”

Sa birthday celebration niya ay inimbitahan ni Jillian ang lahat ng mga kaibigan at nakatrabaho niya sa iba't ibang proyekto ng mga nakaraang taon. Isa sa mga inimbitahan niya ay ang dating Prima Donnas co-star na si Sofia Pablo.

“Yeah, yeah, I invited everyone na naka-work ko. In-invite ko lahat, yes, everyone. Kasi gusto ko talaga na lahat ng naka-work ko, lahat ng kumbaga nakilala ko e makapunta sila kasi para sa'kin, na-realize ko, life is an experience lang po talaga e,” sabi ng young actress.

“We're meant to experience life and we're meant to appreciate people na dumating sa buhay natin,” saad niya.

Samantala, sinubukan umano nina Nelson na kuhanan ng pahayag si Sofia, ngunit tumanggi na muna itong magsalita.

Ngayong 20 years old na siya, natanong din si Jillian kung handa na ba siyang magkaroon ng lovelife, lalo na at bali-balita online na naka-date niya ang Mga Batang Riles star na si Raheel Bhyria.

“Feeling ko po talaga dalaga na'ko kasi ganu'n po talaga, may nag-aaya na po sa'kin, tapos may mga nagreregalo, ganiyan. Ewan ko, Tito Nelson,” kuwento ni Jillian.

Patungkol naman kay Raheel, “Ewan ko po sa kaniya, pero nagdala po siya ng flowers, nag-usap lang kami, kumain lang kami, so ayun. Ewan ko diyan, asan ba 'yun?”

Nang tanungin naman ang young actor tungkol sa parehon balita, inamin niyang hindi siya sigurado kung matatawag bang date ang ginawa nila ni Jillian.

“Date ba tawag du'n? Hindi naman 'ata date tawag du'n pero kung ang tanong kung ako ang nauna, ako ang nauna. I wanted to show her na na-appreciate ko siya kaya ko 'yun ginawa para sa kaniya,” sabi ng aktor.

Dagdag pa ni Raheel ay tila nasorpresa niya si Jillian dahil hindi nito umano inaasahan na magbibigay siya ng bulaklak.

Panoorin ang buong panayam kay Jillian dito:

TINGNAN ANG EXCEPTIONAL BEAUTY NI JILLIAN WARD SA GALLERY NA ITO: