
Simula pa noong bata pa lamang siya, labis ang pagmamahal ng Star of the New Gen na si Jillian Ward sa pag-aartista at sa showbiz industry.
Sa kaniyang panayam kasama ang King of Talk na si Boy Abunda sa My Mother, My Story, ikinuwento ni Jillian ang kaniyang mga pangarap at kinahihiligan bilang aktres.
Dito ibinunyag ng Sparkle star na talagang pangarap na niya noon ang maging artista simula pa siya'y dalawa o tatlong gulang pa lamang. Sa kaniyang acting debut series na Trudis Liit, tila raw laro-laro lang ang trabaho para sa kaniya. Ito raw ang kaniyang kaisipan hanggang sa naging dalaga na siya.
Ang inspirasyon ni Jillian sa pag-akting ay ang kaniyang mapagmahal na ina na si Jennifer Ward. Para kay Jillian, ang pag-aartista raw ay isa sa mga paraan niya para abutin ang mga pangarap ng kaniyang ina.
"Kasi gusto ko po parang ma-continue 'yung buhay ng mother ko na hindi niya na-experience kumbaga. Kunwari gusto niya maging doktor parang ang role ko doktor ako," sabi ni Jillian.
Maliban sa kaniyang nanay at pamilya, isa rin sa inspirasyon ni Jillian ay ang kanyang mga fans. Nabanggit din ng aktres na isa sa mga pangarap niya ay maging liwanag para sa kaniyang mga fans na nakakaranas ng mga pagsubok sa buhay.
"Actually, ang life goal ko kasi Tito Boy, more than 'yung achievements is maging parang light sa buhay ng ibang mga tao. 'Yung 'pag maging magkaibigan kami somehow magiging light ako sa buhay nila na 'pag may problema sila parang, 'I'm just here,' and nag-she-share ako ng good energy sa kanila," pahayag niya.
Labis nga raw ang saya ng aktres sa tuwing nakakasama niya ang kaniyang fans. Tinatago niya rin ang mga regalo na natatanggap niya, pati na raw ang kinakalawang na singsing na ibinigay sa kaniya.
Pangarap din ni Jillian na magtagal sa showbiz at patuloy na makasama ang kaniyang mga fans, katulad ng kaniyang hinahangaang aktres na si Gloria Romero.
Panoorin ang full episodes at highlights ng TV special My Mother, My Story sa mga social media pages at website ng GMA Network.
Samantala, balikan ang highlights ng panayam ni Jillian Ward sa programa, rito: