GMA Logo Jillian Ward
Source: gmadrama/IG
What's on TV

Jillian Ward, naisip din maging doctor someday

By Kristian Eric Javier
Published February 1, 2023 2:26 PM PHT
Updated February 1, 2023 2:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sarah Discaya transported to Cebu, brought to court
Sarah Discaya arrives in Cebu; up for detention in Lapu-Lapu City jail
MPTC waives toll fees on its expressways on Christmas Eve, New Year's Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


Ang role ni Jillian Ward na doktor, naging pangarap din ba niya sa totoong buhay?

Hinahangaan ngayon ang Kapuso actress na si Jillian Ward sa pagganap niya bilang si Dra. Analyn Santos sa hit medical series na Abot Kamay na Pangarap. Pero ang role niya bilang doktor, pinangarap din ba sa totoong buhay?

Sa interview ni Jillian sa Surprise Guest with Pia Arcangel podcast, inamin niya na nagkakaroon na rin siya ng interes sa pag-aaral ng medicine dahil sa role niya sa medical series.

“Parang nagkakaroon na po talaga kasi naisip ko, nakaka-kabisado naman po ako ng med[ical] terms,” sabi nito.

Subalit bago pa man nakuha ni Jillian ang role bilang Analyn, mukhang nasa isip na rin niya ang pagdu-duktor.

Inalala niya, “Sinasabi ko daw po nung 7 years old po ako e, pero hindi ko na po siya naisip since then.”

Dagdag pa niya, “Ngayon lang din po ulit kasi po yung mga kasama po naming doctor sa taping dahil meron po kaming mga consultants, 'pag may pinapa-memorize po sa akin on the spot, naaalala ko po 'yung mga terms. So sinadyest po nila, i-try ko daw pong mag med[icine].”

Inamin naman ni Jillian na bilang aktres, hindi na madali ang pag-memorize ng mga medical terms at mag-practice ng lines kaya't sigurado ito na lalong mas mahirap ang pagiging totoong doktor.

“Pero malay n'yo po, balang araw...” sabi nito.

Para kay Jillian, isa sa mga naging goal niya ang pagiging doktor, bukod sa pagiging artista at isang abogado. Pero aminado din siya na hindi posible sa ngayon at busy pa siya sa kanyang acting career.

Passion

Sinabi rin ni Jillian na passion niya talaga ang pag-arte. Bago pa man siya lumabas sa kahit anong serye ay lumalabas na ang aktres sa mga commercial at nag audition pa sa 'Little Miss Philippines ng long-running noon-time show na Eat Bulaga.

“Nung 5 years old na po ako, mga 4, 5, or mas younger, nasa harap na po ako ng salamin, kumakanta daw po ako, umaarte daw po ako kunyari,” pag-aalala niya.

Bukod sa pag-arte, pinangarap din ng batang aktres ang magkaroon ng singing career, mag labas ng single o album someday.

“Sa totoo lang po, dream ko din po talaga ma-pursue yung singing career ko,” dagdag nito.

TIGNAN ANG TRANSFORMATION NI JILLIAN MULA CHILD STAR TO TEEN STAR: