
Dahil pansamantalang tumigil sa taping ang Prima Donnas, aminado ang isa sa lead stars ng show na si Jillian Ward na nami-miss na niyang magtrabaho kasama ang kanyang co-stars.
Mula kasi noong pumasok si Jillian sa industriya noong 2009 ay naging parte na ng kanyang buhay ang pag-arte.
“Nasanay po ako na kasama ko sila, marami din po kaming natututunan sa kanila,” saad ni Jillian tungkol sa kanyang veteran co-stars.
Ngayong nasa bahay lang si Jillian, inilalaan niya ang oras na ito para matutong magtulo at mag-workout.
Aniya, “Ang alam ko po kasi kapag nag-e-exercise 'yung tao parang mas nagiging happy po sila kasi lumalabas 'yung mga happy hormone. [Tsaka] gusto ko rin po maging fit pa rin.”
Panoorin ang buong report ni Cata Tibayan sa 24 Oras:
Elijah Alejo, nilinaw na hindi sila magkaaway ni Jillian Ward