
Sino-sino kaya ang foreign celebrity idols ng Abot-Kamay Na Pangarap star na si Jillian Ward?
Ang former child star na si Jillian ang isa sa Sparkle stars na labis na hinahangaan ngayon ng milyun-milyong mga manonood.
Kasalukuyan siyang napapanood bilang genius at young doctor na si Analyn Santos sa GMA medical-inspirational drama series na patuloy na nagte-trending.
Sa isa sa vlogs ng kanyang co-star sa serye na si Carmina Villarroel, ini-reveal ni Jillian kung sino-sino ang kaniyang foreign celebrity idols.
Ayon kay Jillian, isa raw sa foreign singers na iniidolo niya ay ang American singer na si Beyoncé.
Kasunod nito, ibinahagi rin ni Jillian na ang American actor and film producer naman na si Leonardo DiCaprio ang isa sa foreign actors na kanyang hinahangaan.
Sa unang parte ng naturang vlog, mapapanood na ibinili ni Carmina ng isang mamahaling birthday gift si Jillian bilang kapalit ng kanyang pagdalo sa engrandeng debut ng huli na ginanap noong February 25, 2023.
Sa kalagitnaan ng video, kapansin-pansin na sobrang close na ang dalawang aktres dahil mapapanood ang ilan sa kanilang sweet at kulitan moments habang magkasamang nagsha-shopping.
Samantala, bukod sa pag-arte, unti-unti na ring naipapamalas ni Jillian ang talento niya sa pagkanta at pagsasayaw.
Sa mismong debut ni Jillian, sinorpresa niya ang kanyang guests ng isang song number sa mismong grand entrance niya sa kanyang debut.
SAMANTALA, SILIPIN ANG BEST MOTHER-DAUGHTER MOMENTS NINA LYNETH AT ANALYN SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: