
Patuloy na hinahangaan ng mga manonood ang mag-inang sina Lyneth at Analyn sa hit GMA inspirational-drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Ang karakter ng mag-ina ay ginagampanan nina Carmina Villarroel at Jillian Ward.
Sa latest vlog ni Carmina na pinamagatang 'Shopping and Bonding with Jillian Ward,' kapansin-pansin na extended ang closeness nila ni Jillian kahit wala sila sa taping ng serye.
Napanood sa naturang vlog na binili ni Carmina ng isang mamahaling birthday gift ang young actress bilang kapalit daw ng pagdalo nito sa engrandeng debut ng huli na ginanap noong February 25, 2023.
Matapos ang ilang oras na pagsa-shopping, nagkayayaan naman sila na mag-dinner muna bago umuwi.
Habang kumakain, biglang naisipan ni Carmina na interviewhin at alamin ang ilan sa mga paborito ni Jillian.
Sa unang parte ng kanyang 'Let's get to know Jillian more,' itinanong niya kung ano ang paborito nitong kulay at pagkain.
Ayon kay Jillian, tama ang hula ni Carmina na violet at black ang paborito niyang mga kulay.
Sumunod nito ay sinabi na niya ang paborito niyang pagkain.
Sagot ni Jillian, "Ako po kahit nagda-diet, kare-kare talaga, sobra po.”
Nang tanungin naman ni Carmina kung sino ang paboritong aktres ni Jillian, gulat na gulat siya ng sabihin ng huli na siya raw ang paborito nito.
Ayon kay Jillian, “Carmina Villarroel, totoo po… Sobrang galing po talaga ni Tita Mina, promise. 'Yung tumatawa lang po siya behind-the-scenes tapos kapag seryoso na po, 'yung galit niya sobrang pula po ng mukha niya at katawan…”
Bukod kina Jillian at Carmina, napapanood din sa tunay na seryeng pinag-uusapan sina Richard Yap, Kazel Kinouchi, Pinky Amador, Andre Paras, Dexter Doria, Chuckie Dreyfus, at marami pang iba.
SAMANTALA, SILIPIN ANG BEST MOTHER-DAUGHTER MOMENTS NINA LYNETH AT ANALYN SA GALLERY SA IBABA: