
Sumabak si Star of the New Gen Jillian Ward sa voice lessons kamakailan.
Sa tulong ng vocal coach na si Johann Enriquez, natutunan ni Jillian ang ilang technical na techniques sa pag-awit.
Kasama dito ang tamang pagbukas ng bibig para mas madaling mailabas ang boses.
Ang kantang "Saving All My Love For You" ni Whitney Houston ang ginamit nilang practice piece.
Matatandaang isa sa mga goals ni Jillian para sa taong 2026 ay ang maging mas magaling na perfomer.
Kabilang dito ang pagsabak sa dance lessons, singing lessons, at pati na jogging para mas maging stable ang boses niya habang kumakanta.
Nag-release din kamakailan si Jillian ng bagong single niyang "Pumapag-ibig" kung saan isa siya sa co-writers.
Source: jillian (IG)
Bumibida rin si Jillian sa action-drama series na Never Say Die.
Panoorin ito Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
SAMANTALA, SILIPIN ANG 21ST BIRTHDAY PORTRAITS NI JILLIAN WARD DITO: