
Masayang bumisita si Jillian Ward sa kanyang hometown sa Masantol, Pampanga, nito lamang nakaraang Holy Week.
Nagpunta si Jillian sa Pampanga matapos ang kanyang quick beach vacation.
Sa Instagram Stories, makikita ang ilang larawan at videos ng tinaguriang Star of the New Gen habang kasama niya ang napakaraming Kapampangan.
Mapapansin na talaga namang inabangan nila ang pagdating ng Sparkle star.
Nagkaroon ng pagkakataon ang ilang Kapampangan na makita ang kanilang kababayan na si Jillian at magpa-picture sa kanya.
Kasalukuyang napapanood si Jillian sa hit GMA medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Kilalang-kilala siya rito bilang si Doc Analyn, ang pinakabatang doktor sa bansa na anak ni Lyneth (Carmina Villarroel) at Doc RJ (Richard Yap).
Bukod sa serye, abala rin si Jillian sa first movie nila ng Sparkle heartthrob at co-star niya na si Ken Chan.
Samantala, patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: