GMA Logo jireh lim
Source: GMANetwork.com & Jireh Lim (FB)
What's Hot

Jireh Lim, nakakuha ng copyright infringement notice para sa sariling kanta

By Aedrianne Acar
Published February 24, 2026 3:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga eksperto, managlahi ang komento | One Mindanao
New US tariffs come in at lower 10% rate
'Formula 1: Drive To Survive' returns for Season 8 on Feb. 27

Article Inside Page


Showbiz News

jireh lim


May hugot ang 'Buko' hit-maker na si Jireh Lim matapos makakuha ng copyright infringement notice para sa kanyang isinulat na kanta.

May nakakagulat na nangyari sa OPM singer na si Jireh Lim.

Matatandaan na sumikat nang husto si Jireh dahil sa kantang inilabas niya noong 2015 na "Buko."

Sa isang post sa Facebook, nagulat siya nang makatanggap siya ng copyright infringement notice mula sa mismong social media page.

Hirit niya tuloy, "When Facebook says: sir, that song, Buko is copyrighted'... Gusto ko replyan: bro, ako to oh! Ako to! JIREH LIM! JIREH LIM! Yung nag sulat mismo ng kanta na yan. Hays.”

Sa isang panayam noong 2023, ikinuwento ni Jireh na ang "BUKO" ay hango sa love story ng kaniyang lolo at lola.

Aniya na mas matanda ng sampung taon ang kaniyang lola, na isang school principal, sa lolo niya, na isang janitor naman.

"Kasi para sa akin sobrang mahiwaga ang pag-iibigan nila," aniya.

"Sa lugar namin, yung lola ko parang sila yung may-ari ng mga lupa. So siyempre, tutol yung family sa lolo ko, pero ipinaglaban niya talaga [yung pag-iibigan nila],"

Ilan pa sa mga pinasikat na kanta ni Jireh Lim ang 'Magkabilang Mundo' at 'Iingatan Ka.'

Related gallery: Jireh Lim on the 'Playlist'