GMA Logo jirisan recap
What's Hot

Jirisan: Ang mga kriminal ng Mount Jiri | Week 3

By Kristian Eric Javier
Published September 12, 2023 5:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOTr orders probe into alleged payola in LTO
'Wilma' weakens into LPA near Cataingan, Masbate
XG's Cocona undergoes top surgery, comes out as AFAB transmasculine non-binary

Article Inside Page


Showbiz News

jirisan recap


Sa pakikipagtunggali ng Jirisan Park Rangers sa mga kriminal, mapapanatili pa ba nila ang kaligtasan ng hikers?

Sa patuloy na pagbabantay ng Mount Jiri Park Rangers sa Jirisan, makikilala na sa wakas nina Anjo (Ju Ji-Hoon) at Iya (Jun Ji-Hyun) ang kriminal na pumapatay sa hikers gamit ang nilason na yogurt drink, at nagnakaw ng mga potato bombs.

Bukod pa dito ay may isa pang kriminal ang kakaharapin ng mga rangers at kakailanganin nila ng tulong mula sa iba pa nilang mga kasamahan.

Sa panibagong misyon ng Mount Jiri Park Rangers ay panibagong hiker, si Yvonne, ang kanilang kailangan mahanap at mailigtas. At isang clue ang nahanap nilang magpapatunay na tama ang tinatahak nila para mahanap ito.

Matapos mapatunayan nina Anjo at Iya na mayroon ngang gumagalang killer sa Mount Jiri ay puspusan ang paghahanap ng mga park rangers dito. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay mahahagip ng surveilance camera nila si Stephen Lee, hawak ang isa sa mga bombang nakapatay sa isa sa hikers.

Ngunit bago nila mahuli si Stephen ay nabiktima na nito ang si Yvonne at madadatnan na walang malay. Sa paghabol nina Anjo at Iya kay Stephen ay maililigtas ng dalaga ang buhay ng partner niya.

Dito rin magsisimulang maniwala na si Iya sa mga pangitain na nakikita ni Anjo. Maging dahilan kaya ito para mas marami ang mailigtas nila sa Jirisan?

SAMANTALA, KILALANIN SI JU JI-HOON, ISA SA MGA BIGA NG 'JIRISAN' SA GALLERY NA ITO:

Kahit may snow at delikado na ang pag-akyat sa Mount Jiri ay hindi pa rin humihinto ang mga rangers sa kanilang trabaho. Ngunit isang wanted na kriminal ang umakyat ng bundok kaya naman naghahanda si Anjo para hanapin ang kriminal.

Samantala, tuloy pa tin ang pagpatrol ni Iya kaya naman nailigtas niya ang isa sa mga hikers na nagkaroon ng injury. Dito, nalaman ni Iya na pupunta dapat ang kriminal na hinahanap ni Anjo sa kanilang station.

Sa pagbalik ni Iya, ng hiker at ni Anjo sa station ay makikita nila ang kriminal, na kasabwat pala ang hiker na kasama ni Iya. Sa tulong ng first love ni Iya na biglang dumating ay nailigtas sila ni Gary at nahuli ang dalawang salarin.