
Sa pag-i-imbestiga ni Anjo (Ju Ji-Hoon) at ni Iya (Jun Ji-Hyun) sa mga namatay na hikers sa Mount Jiri ay nakahanap sila ng koneksyon sa nakaraan. Makatulong kaya ito sa paghahanap nila sa totoong salarin sa mga pagpatay sa Jirisan?
Sa nakaraan, isang illegal hiker ang naaksidente matapos niya imbestigahan ang isang tinatawag na 'ghost town,' at iniwan ang isa pang hiker na napilayan at naaksidente.
Aksidente man nilang nakita ay na-rescue pa rin nina Iya at Anjo ang babaeng hiker.
Matapos subukin ni Iya na umakyat ng Mount Jiri kahit na naka wheelchair at natumba, isang ranger ang nakakita at nakapag-rescue sa kanya at ibinalik siya sa kanilang station.
Dito, itinanong ng kasamahan niya kung bakit nga ba naaresto ang kanilang chief matapos ng nangyari kay Danna
Para maipagpatuloy ni Iya ang imbestigasyon nila ni Anjo noon ay sinabi na ng dalaga ang tungkol sa mga hinala nila sa kanilang team. Dito, ipinaalam ni Iya at ng isa pa nilang kasamahan na hindi ang kanilang chief ang pinaghihinalaan nila, kundi ibang tao.
Ikinuwento rin ni Iya ang tungkol sa naging aksidente nila noon ni Anjo sa bundok. Ayon sa dalaga, iniwan siya noon ng binata para humingi ng tulong at tumawag pa sa station kung saan ang chief nila mismo ang nakasagot.
ALAMIN ANG MGA INTERESTING FACTS TUNGKOL KAY KOREAN ACTRESS JUN JI-HYUN SA GALLERY NA ITO:
Sa nakaraan, pinagpatuloy nina Anjo at Iya ang kanilang imbestigasyon sa suspect na pumapatay sa Mount Jirisan. Ayon sa pangitain ni Anjo, tao na nakasuot ng itim na gloves ang maaaring gumagawa nito, ngunit magiging mahirap malaman kung sino dahil halos lahat ay iyon ang gamit kapag umaakyat ng Jirisan.
Samantala, isang litrato kung saan magkakasama ang mga namatay kamakailan lang ang nakapukaw sa atensyon ni Anjo. Kaya naman, naisip niyang imbestigahan ang 1995 flooding, kung saan maaaring makahanap siya ng koneksyon sa mga hikers sa litrato.
Sa pag-i-imbestiga ni Anjo malalaman niyang anak ng isa sa mga dating rangers ang sundalong namatay noon sa pangangalaga niya noong nasa army pa siya.
Isang tawag lang sa army ay nalaman ni Anjo na iisa ang ranger at ang tatay ng sundalo, at ang koneksyon ng pagbaha noong 1995 sa isa sa mga biktima ngayon.
Alamin ang misteryong bumabalot sa bundok ng Jirisan, Monday to Friday, 10:20 p.m. sa GMA.