
Isang bagong panganib ang kakaharapin ng Mount Jiri National Park rangers sa Jirisan at kakailanganin nila Iya (Jun Ji-Hyun) at Anjo (Ju Ji-Hoon) ng tulong mula sa kanilang mga kasamahan para lang makaligtas dito.
Hindi lang 'yun, patuloy pa rin ang kanilang paghahanap ng salarin sa mga naganap na pagpatay gamit ang yogurt at mga bomba.
Isang forest fire ang kinaharap ng Mount Jiri National Park Rangers. Dahil malakas ang apoy at pababa ang hangin, maaaring kumalat ito sa buong Mount Jiri hanggang sa umabot ito sa bayan sa paanan ng bundok.
Ginawa ng rangers ang lahat ng paraan para pagragasa ng sunog, tulad ng paggawa ng fireline, at pagpapadala ng tubig gamit ang mga helicopters para maapula ang apoy.
Samantala, isang panibagong vision ang nakita ni Anjo na may kinalaman sa sunog sa Jirisan. Mahanap kaya agad nila ang may sala?
Sa patuloy na pagkalat ng apoy, ilan sa mga matatrap sa Jirisan ay mga bata na anak ng isa sa mga hiker. Ngunit kahit nahanap at nailigtas sila ni Anjo mata-trap pa rin sila sa gitna ng nasusunog na kagubatan hanggang sa mailigtas sila ni Iya.
Matapos makaligtas sa sunog ay ikinuwento na ni Anjo kay Iya ang lahat nang nakita niya, kasama na ang bangkay ni Stephen, ang kriminal na may pakana ng pagpatay gamit ang mga yogurt at potato bomb, at ang hinala niyang may kasabwat pa ito.
Dito ipinangako ni Anjo kay Iya na hahanapin niya ang salarin.