
Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ni Iya (Jun Ji-Hyun) sa Mount Jiri ay mapapahamak ang isang bagong ranger na si Danna, isa sa mga rangers na pnagkakatiwalaan niya bukod kay Anjo (Ju Ji-Hoon) sa Jirisan.
Patuloy pa rin sa pag-iimbestiga si Iya sa present day sa nangyayaring kababalaghan sa Mount Jiri at humingi siya ng tulong sa bagong ranger na si Danna. Ngunit sa pakikipagtulungan ng dalaga, ay hindi na siya ma-contact ni Iya kaya naman kinailangan nilang magsagawa ng rescue mission para mahanap ito.
Sa tulong ng signal nina Iya at Anjo ay nalaman ng dalaga kung saan maaaring nandun si Danna at pinapunta ang mga naghahanap sa lugar na sinasabi nito.
Dahil sa video sa phone ni Danna kung saan maririnig ang chief nila na nakita ang dalaga, hindi maiwasan ni Iya pagsuspetsahan ito nang makita ang baguhang ranger na wala nang buhay.
Samantala, inalam naman ng kasamahan nilang si Gary kung ano ang ginagawa nina Anjo at Iya sa bundok noong araw na naaksidente sila. Dito ay pilit inaalam ni Gary kung ano ang rason ni Iya sa pagbabalik niya sa Mount Jiri.
Dahil sa kuwento ni Danna at ng ilang mga hikers na nagmumulto si Anjo sa bundok, pinipilit ni Iya na makaakyat muli upang maka-usap ang dati niyang partner na ang pisikal na katawan ay comatose sa ospital ngayon.
Isa sa mga kagustuhan ni Iya ay ang malaman ang mga sagot sa kanilang mga katanungan ilang taon nang nakakaraan.
Sa nakaraan, isang hiker na nasa piligro ang buhay ang kinailangan nilang iligtas ngunit hindi nila mahanap ang daan pababa ng Mount Jiri. Sa suhestyon ng kanilang chief ay ginamit ni Iya ang daan na ginamit ng mga hayop para sila makababa.
Subaybayan ang Jirisan, Lunes hanggang Biyernes, 10:20 p.m. sa GMA.