GMA Logo Jiro Manio
What's on TV

Jiro Manio, may nilinaw sa pagiging mailap niya sa showbiz

By Jimboy Napoles
Published January 19, 2024 7:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Easter Vigil at Manila Cathedral | GMA News
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival

Article Inside Page


Showbiz News

Jiro Manio


Nilinaw ni Jiro Manio ang tunay na dahilan ng pagiging mailap niya sa showbiz.

Ibinahagi ng noo'y award-winning child actor na si Jiro Manio kung bakit tuluyan siyang naging mailap sa show business matapos pumasok sa rehab.

Matatandaan na ibinenta ni Jiro kamakailan ang kanyang tropeyo bilang Gawad Urian Best Actor sa collector na si Boss Toyo.

Sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes, January 19, masayang kinumusta ng batikang TV host si Jiro.

“Hindi mo nami-miss ang pag-aartista?” tanong ni Boy Abunda sa dating aktor.

Sagot ni Jiro, “Nami-miss po kasi kapag lumalabas ako ang dami pa ring tao na bumabati sa akin at sa social media po.”

Natutuwa naman umano si Jiro sa mga taong patuloy na nakakaalala sa kanya kahit pa matagal na siyang hindi napapanood sa TV o sa pelikula.

Aniya, “Nagpapasalamat po ako palagi lalo na kapag 'yung matatanda na. Kapag sinasabi na, 'O, 'di ba si Jiro Manio ka? Opo. Salamat po.'”

Si Jiro ay nagtatrabaho ngayon bilang volunteer worker sa isang Rehabilitation Center sa Bataan. Sa kasalukuyang estado ng buhay ni Jiro, may balak pa nga ba siyang magbalik sa showbiz?

“You're not closing doors na babalik at babalik ka pa bilang artista?” ani Boy kay Jiro.

Agad naman na sumagot ang dating aktor. Aniya, “Pinipili ko po e, sa ngayon po. 'Yung mga tinatanggap ko po na puwede.”

“So patuloy pa rin ang pag-aartista pero namimili ka ng role?” usisa pa ni Boy.

“Opo pero hindi na po katulad ng dati na babad talaga ako sa TV,” sabi naman ni Jiro.

Paliwanag pa ni Jiro kung bakit hindi pa siya nagbabalik sa showbiz, “Kasi po pinagbawalan po ako ng mga doktor sa rehab po na baka daw po maging effects ng stress ko, magkasakit daw po ako ulit dahil hanggang ngayon po nagte-take po ako ng med[icine].”

Dagdag pa niya, “At saka marami pong binawal sa akin. Bawal po ako mapuyat, bawal po ako masyadong magalit, 'yung mga substance, 'yung mga ganun po.”

RELATED GALLERY: Jiro Manio, may bagong buhay na matapos ang ilang beses na rehab