GMA Logo Jiro Manio
What's Hot

Jiro Manio, ibinenta ang kanyang Urian Best Actor trophy

By EJ Chua
Published January 4, 2024 11:02 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Eman Pacquiao, naghahanda sa pagsasanay para sa kaniyang laban sa Pebrero 2026
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Jiro Manio


Jiro Manio sa pagbenta ng isa sa kanyang mga trophy: “Happy po ako... Nagpapasalamat ako..."

Usap-usapan ngayon sa social media ang former child actor na si Jiro Manio.

Isa si Jiro sa dating child stars na humakot noon ng napakaraming awards dahil sa husay niya sa pag-arte.

Kamakailan lang, muling naging maingay ang kanyang pangalan dahil sa isang vlog ng collector na si Boss Toyo na kilala rin sa pagiging owner ng Facebook page na Pinoy Pawnstars.

Sa naturang vlog, mapapanood ang pagbisita ni Jiro sa shop ni Boss Toyo upang mag-alok ng isang mahalagang bagay para ibenta.

Ito ay ang kanyang Urian Best Actor trophy na naiuwi niya noong 2004 mula sa kanyang pelikula na Magnifico.

Sabi ng 31-year-old former actor, "Sabi ng utol ko magpapatayo ka raw ng museum. Sana mapabilang ako roon na dating artista na nakatanggap ng award.”

Unang inalok ni Jiro ang kanyang trophy sa halagang 500,000 pesos ngunit nagtapos ang tawaran nila ni Boss Toyo sa halagang 75,000 pesos.

Sabi pa ni Jiro, “Happy po ako dahil tinanggap ni Boss Toyo yung award giving body (trophy) na pinapatago ko sa kanya para mailagay niya sa museum kung matuloy yun. Nagpapasalamat ako. Yun lang. Maraming salamat po.”

Bukod sa pagbenta ng kanyang trophy, ilang detalye at kwento tungkol sa kanyang buhay ang ibinahagi ni Jiro.

Kasalukuyang abala si Jiro sa pagiging isang volunteer sa Department of Health rehabilitation center sa Bataan, na ayon sa kanya ay doon din siya nanggaling noong malulong siya sa pagbibisyo.