
Muling pinag-usapan sa social media ang dating child star na si Jiro Manio.
Related gallery: Jiro Manio then and now
Kamakailan lang ay bumalik si Jiro sa shop ng collector na si Boss Toyo para isangla ang isa pa niyang trophy.
Ang naturang trophy ay ang kanyang Metro Manila Film Festival (MMFF) Best Child Performer award para sa pelikulang 'Bagong Buwan' na ipinalabas noong 2001.
Sa latest vlog ni Boss Toyo, mapapanood na unang prinesyuhan ni Jiro ang kanyang trophy sa halagang 500,000 pesos.
Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap, na-close ang kanilang deal sa halagang 75,000 pesos.
Ayon kay Jiro, tumatak ito sa maraming manonood lalo na't ito ang kanyang pinakaunang award na naiuwi niyang noong siya ay walong taong gulang pa lang.
Sabi niya, “May dala ako ah, trademark 'to ng movie namin 'yung pelikulang Bagong Buwan… Best child actor naman 'to, 'yung isa sa Magnifico. Ito naman Boss, tumatak sa mga tao, pinakaunang award ko kasi 'to. Ano 'to, Metro Manila Film Festival.”
Nabanggit din niya na kasalukuyan siyang walang permanenteng trabaho kaya malaking tulong para sa kanya ang perang makukuha niya sa pagsanla ng kanyang gamit.
Ayon sa dating child actor, “Ito walang trabaho pero may mga kumukuha-kuha sa akin mga guesting pero kapag sa mainstream nahihirapan pa…”
Una nang nagkaroon ng transaksyon noon sina Jiro at Boss Toyo para naman sa Urian Best Actor trophy ng dating aktor na naiuwi niyang noong taong 2004.
Matatandaang isa si Jiro Manio sa former child actors na talaga namang humakot noon ng napakaraming awards dahil sa ipinamalas niyang kakaibang husay sa pag-arte.