GMA Logo Jkhriez Pastarana
What's on TV

Jkhriez Pastrana, ano-ano kayang katangian ang gusto sa isang lalaki?

By Dianne Mariano
Published December 13, 2023 6:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang aso, nakaranas ng kalupitan
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Jkhriez Pastarana


Alamin dito kung ano'ng mga katangian ang gusto ni Jkhriez Pastrana, ang anak ni Dagul, sa isang lalaki.

Nakisaya ang vlogger na si Jkhriez Pastrana sa The Boobay and Tekla Show nitong Linggo (December 10).

Si Jkhriez ay ang isa sa mga anak ng komedyanteng si Dagul.

Sumalang ang guest star sa fun matchmaking game ng programa na “Pusuan Na 'Yan,” kung saan tatlong nagagwapuhang lalaki ang sinubukang mapabilib si Jkhriez gamit ang kanilang charm at wit.

Bago ito, kinamusta muna ng TBATS hosts na sina Boobay at Tekla ang kanilang bisita. Labis ang pasasalamat ni Jkhriez sa TBATS dahil sa muling pag-imbita sa kanya sa programa.

Aniya, “Super happy ko na nandito ako ulit.”

Tinanong naman ni Tekla si Jkhriez kung ano ang mga gusto niyang katangian sa isang lalaki.

“Siyempre, unang-una sa lahat, gusto ko tanggap ako, family oriented, at siyempre mabait,” pagbabahagi niya.

Samantala, sino kaya kina Mr. Puto Bumbong (MJ Ordillano), Mr. Queso De Bola (Jeff Moses), at Mr. Hamon (Gab Pascual) ang pupusuan ni Jkhriez? Alamin sa video sa ibaba.


Samantala, tinanong nina Boobay at Tekla ang ilang tao kung ano ang kanilang mensahe para sa ex nila.


Patuloy na subaybayan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.