
Nakipagsabayan sa iyakan si Jo Berry sa dramatic actress na si Angelika Dela Cruz na gumaganap na kanyang ina sa GMA afternoon drama na Little Princess.
Noong Lunes, January 17, nalaman na ng karakter ni Jo na si Princess ang katotohanan tungkol sa ama nito matapos marinig na pinag-uusapan ito ng ina niyang si Elise (Angelika) at ng kaibigan nitong si Winona (Tess Antonio).
Hindi matanggap ni Princess na inilihim ng nanay niya sa kanya na buhay pa ang kanyang ama kaya naman natural na reaksyon niya na magtampo sa ina.
Emosyonal ang mga tagpo sa pagitan nina Jo at Angelika kaya naman pati ang Twitterverse ay nakisimpatya kay Princess.
Paanao na yan Elise ano ang gagawin mo?#LPBigRevelations
-- KB MULAWIN RosaryRuth❤️ (@RosaryRuth) January 17, 2022
KapusoBrigade@MulawinBatalion
Gusto lang malaman ni Princess ang totoo#LPBigRevelations
-- KB_ Enca Juvy 2 (@_juvyramos) January 17, 2022
KapusoBrigade @encabattalionkb
Mixed emotions for Princess!😍😞😐#LPBigRevelations
-- Jhezy 03 (@Jhezy0) January 17, 2022
Sa kwento, hindi nagtagal ang pagtatampo ni Princess sa inang si Elise dahil nagkabati rin sila matapos itong maospital dahil sa hypoglycemia.
Princess feels sorry and guilty dahil sa pagtrato niya sa kanyang ina kaya naman pinili niya ito kaysa pumunta sa endorsement shoot bilang parte ng promo campaign ng MVM Inc. kung saan nagwagi sila sa isang online game tournament.
Patuloy na subaybayan ang mother-daughter relationship nina Princess at Elise sa Little Princess mula Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Kung ma-miss n'yo man ang episode, maaaring mapanood ang full episodes ng serye sa GMANetwork.com o GMA Network app.
Samantala, hindi pa man nagsisimula ang corporate leadership ni Jo sa Little Princess, silipin dito ang ilan niyang cute outfits as CEO sa GMA series: