GMA Logo jo berry
What's on TV

Jo Berry, gaganap sa sariling talambuhay sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published April 15, 2026 4:13 PM PHT
Updated April 15, 2026 5:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace on Sara Duterte skipping impeachment proceedings: It's her choice
Barangay hall riddled with bullets in Cotabato City gun attack

Article Inside Page


Showbiz News

jo berry


Gaganap si Jo Berry bilang kanyang sarili sa 'Magpakailanman' episode tungkol sa kanyang buhay.

Tampok ang buhay ng Kapuso actress na si Jo Berry sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Lalong espesyal ang episode dahil siya mismo ang gaganap sa kanyang sarili dito.

Pinamagatang "Little Big Dreamer," tungkol ito sa pagsisimula ni Jo sa showbiz, pati na ang iba't ibang pinagdaanan niya bago marating ang tagumpay.



"Natakot din talaga 'ko kasi, of course, maraming part noong buhay ko na ayoko na sanang balikan. Pero alam naman nating 'yung mga pangit na parte ng buhay natin, 'yan talaga 'yung bumubuo sa kung ano tayo ngayon. Hopefully, magustuhan ng mga manonood," pahayag ni Jo sa 24 Oras.



Makakasama ni Jo sa episode sina Darwin "Hap Rice" Tolentino at Miko Peñaloza na mga kapwa aktor at little persons din tulad niya.

Bahagi ng episode sina Nico Antonio, Analyn Barro, Shyr Valdez, Larkin Castor, at Kiko Antonio.

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:


Abangan ang brand-new episode na "Little Big Dreamer: The Jo Berry Story," April 18, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.