What's Hot

Jo Berry, patuloy ang pagsikat sa Ecuador, Dominican Republic

By Dianara Alegre
Published August 4, 2020 10:51 AM PHT
Updated August 4, 2020 1:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pag-abli sa Davao City Coastal Road Segment B dili na madayon | One Mindanao
Bondi Beach hero becomes source of pride in Syrian hometown
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

jo berry sikat sa ecuador at dominican republic


Na-interview kamakailan si Jo Berry sa isang sikat na morning talk show sa Ecuador dahil sa natatamo niyang kasakitan doon para sa mga seryeng 'The Gift' at 'Onanay.'

Ikinagulat ni Kapuso actress Jo Berry ang pagsikat niya sa South America, partikular na sa bansang Ecuador at Domican Republic, kung saan kasalukuyang ipinalalabas ang seryeng The Gift at Onanay.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, nakasalin sa wikang Spanish ang mga nabanggit na serye at dalawa sa may pinakamatataas na ratings sa dalawang bansa.

Jo Berry

Jo Berry / thejoberry (IG)

Bukod dito, dumami rin umano ang Spanish-speaking fans ni Jo.

Sa eksklusibong panayam ng 24 Oras, ibinahagi ng aktres ang kanyang saya sa naturang pagkilala.

“Kinilig ako," nakangiting sambit ni Jo.

"Ginu-Google translate ko kasi some of them are messaging me hindi sa English.

"Nakakatuwa kasi naglaan din sila ng time para mag-message sa 'kin to tell me na nagustuhan nila 'yung story."

Dahil sa kasikatang natatamo sa Ecuador, na-interview si Jo sa isang sikat na morning talk show doon kamakailan.

“Kinakabahan ako baka mali-mali 'yung masagot ko kasi halo 'yung kaba ko 'tsaka, siyempre, overwhelmed ako na marami ring nakakanood sa kanila. Kinabahan talaga ako,” aniya pa.

Kasama niyang bumida sa The Gift sina Asia's Multimedia star at Centerstage host Alden Richards habang sina Mikee Quintos, Kate Valdez, at Nora Aunor naman ang kasama niyang bumida sa Onanay.

Samantala, dahil pansamantalang itinigil ang produksyon para sa mga TV shows, naging abala si Jo sa bago niyang skill habang naka-quarantine--ang baking.

“Inaalalayan pa rin ako ni Mama kung paano 'yung mga ingredients pati 'yung paano mag-adjust ng heat. Kasi nu'ng una palaging sunog,” sabi pa niya.

Banana bread at chocolate chip cookie ang dalawa sa mga unang natutunang i-bake.

“Napatikim ko na rin siya sa ibang mga friend ko. Sabi nila masarap naman daw. So, happy ako,” dagdag pa niya.