
Inilarawan ni Jo Berry na good pressure na mapasama sa primetime series na The Master Cutter, na pinagbibidahan ng multi-awarded actor-host na si Dingdong Dantes.
Bukod sa gabi-gabing napapanood saGMA Prime ipinalalabas din ang The Master Cutter sa Netflix.
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Jo Berry, na gumaganap bilang Ame, nakaka-motivate raw sa buong team na lalong ipamalas ang galing ng mga Pilipino dahil napapanood din abroad ang kanilang serye.
“First-time ko masala sa isang show na pinapalabas sa buong Southeast Asia sa Netflix, so nandoon 'yung kaba. Siyempre, different country, iba-iba naman 'yung kiliti naman nila, when it comes to serye. Sa Pilipinas iba, sa buong Southeast Asia iba,' sabi ni Jo.
Dagdag niya, “So, hindi namin alam kung lahat ba ay magugustuhan 'yung bawat characters namin. Pero, ginagamit namin 'yung pressure na 'yun para mas galingan pa. At para ipakita na kaya rin ng mga palabas sa Pilipinas na gustuhin ng ibang bansa.”
May patikim din si Jo Berry sa mangyayari sa cute sidekick ni Ame na si Ibyang, na ginagampanan ng child star na si Sienna Stevens.
Ayon sa aktres, mas lalong mapapakapit ang viewers sa magiging istroya ni Ibyang, lalo na ipaliliwanag na sa mga susunod na episode ng The Master Cutter kung sino ang tunay nitong pamilya.
“Kung ano 'yung mga hula ninyo, there's more to it. Ang hirap magsalita," natatawang sinabi ni Jo.
“Napakagaling din kasi ng ating Sienna Stevens, ang Ibyang. So, abangan 'yo 'yun kasi kahit ako nung nabasa ko 'yung ano 'yung mangyayari, nung napapanood ko na at nakita ko kung paano tinake. Napakagaling nung bata!”
“And 'yung mga secret, 'yung pagkakasulat sa characters niya and sa characters ni Audrey [Max Collins], next level. So, abangan n'yo yun.”
Mapapa-'anak ng sinulid' ang lahat sa mga maaaksyong eksena ng 'The Master Cutter' sa GMA Prime, pagkatapos ng 24 Oras. At mapapanood ang second telecast ng show tuwing 9:45 sa GTV.
Related gallery: The Master Cutter actresses' with unmatched face cards