
Excited na ibinahagi ng binatang aktor na si Joaquin Domagoso na masaya siya ngayon sa kanyang buhay bilang artista at ama sa anak nila ni Raffa Castro na si Scott.
Sa panayam niya sa Fast Talk with Boy Abunda kahapon, Miyerkules, February 8, hindi naiwasang itanong ng King of Talk na si Boy Abunda ang tungkol sa kanyang partner na si Raffa.
“Joaquin, sino si Raffa?,” tanong ni Boy.
Agad naman itong sinagot ni Joaquin ng, “Sino si Raffa? My longtime best friend. We've been friends for almost.. this year counting six na. I know her ex-boyfriends, she knows my ex-girlfriends, that's how close we are.”
Dagdag pa niya, “She is the one.”
Pagbabahagi pa ni Joaquin, suportado ng kaniyang mga magulang ang kaniyang pagiging ama sa anak nila ni Raffa pero inudyok siya ng kaniyang ina na si Lynn Ditan na huwag munang magpakasal na pareho naman nilang sinang-ayunan ni Raffa.
“It's not that we're not gonna marry. It's not that we're deciding or not deciding, that's the whole beauty about it. The moment you decide or not decide something, mawawala 'yung question when I do ask and if I do ask,” paliwanag ni Joaquin kay Boy.
Bagamat may anak na sila ni Raffa, hindi naman nila minamadali ang pagpapakasal.
Aniya, “We're smart, we're a new generation po and nakakaisip na po kami na parang hindi lang po dahil na may anak na po kayo [kailangan] magpakasal na po kayo. You have to really fall in love with each other.”
Dagdag pa ng binatang aktor, “I'm the happiest man alive, everyday I wake up na may kasama, masaya.”
Samantala, kamakailan lamang ay muling nakatanggap ng pagkilala si Joaquin sa kaniyang mahusay na pagganap sa pelikulang The Boy in the Dark.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:50 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
MAS KILALANIN SI JOAQUIN DOMAGOSO SA GALLERY NA ITO: