What's on TV

Joaquin Domagoso, i-impersonate ang amang si Isko Moreno sa 'FLEX'

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 11, 2021 11:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Aplikasyon para sa one-time financial assistance sa mga OFW na naapektuhan ng Middle East conflict, binuksan muli ng DMW
OFWs repatriated due to Middle East crisis welcomed at job fair
Six PH universities make it on Times Higher Education University Rankings

Article Inside Page


Showbiz News

Isko Moreno and son Joaquin Domagoso


Abangan ang impersonation ni Joaquin Domagoso bilang si Manila Mayor Isko Moreno ngayong Linggo sa 'FLEX,' 8:20 p.m. sa GTV.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ipapakita ni Joaquin Domagoso ang kanyang impersonation ng kanyang ama na si Manila Mayor Isko Moreno.

Sa darating na episode ng FLEX ngayong Linggo, gagampanan ni Joaquin ang isang mayor na sasagutin ang ilan sa mga concern ng kanyang mga nasasakupan.

Matindi rin ang hugot ni Voltes V: Legacy actress Ysabel Ortega sa isang skit kung saan magiging online seller siya na ang itinitinda ay pre-loved items mula sa damit hanggang sa kanyang ex-boyfriend.

Sa FLEX Collab naman, makikipagsayawan at tawanan ang mga TikToker na sina Jomar Yee at Queenee Mercado, kasama ang Kapuso stars na sina Jamir Zabarte at Dave Duque.

Si Mavy Legaspi at DJ Sev Laudico ang bibida sa segment na Shout Out, kung saan babasahin niya ang mensahe ng kanyang mga kasama sa kani-kanilang mga ex.

Ipagpapatuloy rin ni Will Ashley ang kanyang superhero character sa Super Flex!

So ano pa ang hinihintay niyo?

Tumutok lang sa pinakabagong comedy-gag-variety show ng GTV na FLEX, 8:20 p.m. para maging good vibes ang inyong Sunday night!

Kilalanin ang leaders ng FLEX Squad dito: